Quantcast
Channel: Indayvarona
Viewing all articles
Browse latest Browse all 506

SINO ANG MAY KAILANGAN NG P100,000? (Comelec Reso 9688)

$
0
0

Marami, at di sila lahat politikong gustong bumili ng boto o mga lider ng sindikato o mga tax evaders. Maraming maliliit o medium na mga negosyante ang humaharap ngayon sa mga problemang dulot ng Comelec Resolution 9688 na ipinasa kahapon (May 7). Noondito ang buong resolution.

Ano ba ang nilalaman nito?

  • Bawal ang mag-withdraw ng cash o mag-encash ng tseke na mahigit sa P100,000 sa bawat araw, simula ngayon hanggang sa halalan. Bawal din umutang sa mga financing (kung cash ang lalabas) o magsanla ng gamit.
  • Bawal din ang ihati-hati mo sa maliliit na withdrawals o pag-encash ng tseka ang P500,000 na manggagaling sa isang account.
  • Bawal ang magdala o mag-sakay ng mahigit P500,000 cash. Aniya ng Comelec: automatic na paghihinalaang pang-vote buying ang ganitong halaga ng salapi, maliban na lang kung may exemption ka.
  • Kasama ang money watch sa mga trabaho ng police and military checkpoints. Inatasan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ipatupad ang resolution — pero umalma ang institusyon at sinabing labag ito sa ilang batas.
  • Nagbigay hintulot din ang Comelec sa madla na mag-citizen arrest kung may nakitang nagbebenta o nagpapabili ng boto.
  • Para magkaroon ng exemption, kailangan dumulog sa Comelec en banc o sa Chairman kung walang sesyon, at sa provincial Comelec director o sa regional director ng National Capital Region.

Magandang Hangarin

Maganda naman ang hangarin ng Comelec: ang mapugsa ang “vote-buying”. Maraming Pilipino ang nakaka-alam na ang sistema ng “guns, goons and gold” sa tuwing eleksyon ang isa sa mga dahilan kung bakit malala ang korupsyon sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno.

Hindi magkakaroon ng guns and goons kung walang gold, ang pag-iisip ng Comelec. Tama naman ito. At lalong walang vote-buying — para man bumoto sa kandidato o wag nang bumoto kung ang manok ay ang kalaban — kung walang cash sa araw ng halalan.

Pero pustahan tayo, matagal nang nag-iimbak ng pera ang mga kandidato at political parties. Kwento ko sa inyo ang mismong nakita ko noong 2001.

May isang kandidato noong 2001 sa 6th district ng Maynila (pero nakatira sa isang mansyon sa Makati) na di nag-sweldo ng mga empleyado nya sa loob ng dalawang buwan. Nag-walk out ang staff at pinatawag niya ang mga opisyal ng kumpanya sa mansyon. Nang pumasok na sa kukote nya na di talaga babalik ang mga manggagawa hangga’t di nabayaran — at na makakasama sa kampanya nya ang ganitong balita — pumayag na sya. Aba, eh lumabas ang ilang sako ng salapi mula sa isang kwarto ng mansyon!

Sa dami na ng report ng iba’t-ibang klaseng vote-buying, alam nating bumabaha na ang pera.

Totoong mangangailangan ng malaking “contingency” ang mga kandidato lalo na kung nagkakaroon na ng “bidding war” para sa mga boto (o sa hindi pagboto). Pero maraming kontribusyon sa kampanya na under da table at malamang nakahanda na ang mga perang para sa mga tumatakbo.

Ang talagang tatamaan? Mga maliliit na negosyante. Ilang ehemplo lang ang ibibigay ko.

May isang kainan ka. Popular naman ito kaya nagpapagawa ka ng pangatlong branch mo. Pero di ka naman malaking negosyo kaya wala kang architectural firm (umuupa ka lang ng lugar) o interior decorator man lang. May contractor ka na maliit din; kaya magpa-sweldo sa tauhan pero ikaw dapat bumili ng lahat na materyales. Siempre restaurant, kusina at banyo ang malaking gastos. Hindi naman tumatanggap ng tseke ang mga appliance stores or mga bilihan ng hardware. Maliit ka lang at walang credit line. (Nag-aaply ka pa nga na maka-tanggap ng credit card). Hindi din naman kayang ma-cover ng credit card mo ang mga dapat bilhin. So kailangan mo ng cash. Eh, 3 industrial-type lang na stove kulang ang P100,000 mo. Eh opening mo sa May 15. Paano na ngayon?

May construction company ka. Hindi ka higanteng kumpanya, pero may 3 proyekto ka na medyo malaki nang building. Halos lahat ng construction workers casual ang status. Di yan binabayaran sa bank accounts; walang payroll deposit dyan. Weekly din ang bayaran. Paano ngayon yan?

Ngayon, pera ang babantayan sa mga checkpoint. Dapat naman pagkatiwalaan ang mga pulis. Pwede ka magpakita siguro ng kontrata mo sa bagong branch o payroll na hinahabol. Pero ang sabi nga nung nag-automation ang Comelec — hinahanapan natin ng paraan ang sistema para pabawasan ang human factor na madalas ang dahilan ng anomalya, harassment at iba pang mga problema. (Tanong nyo sa Bureau of Customs and sa Bureau ng Immigration.)

At siempre pa, paano pag may family medical emergency. Knock on wood, pero paano pay biglang may kailangan na ICU o ma-operahan? Paano kung kailangan nang lumabas ng ospital at ilang dawn libo na and babayaran? Ilang ospital ba ang tumatanggap ng personal checks na di pa na-clear ay makaka-alis ka na?

Pwede nga naman pumila para sa exemption, pero sa dami-dami ng problemang hinaharap ng over-worked at under-staffed na Comelec, dadagdagan pa nito? Hindi sa binibigyan ng malisya ang Comelec officials, pero sa uulitin — ang automation ng mga proseso ng gobyerno ay mismo para mabawasan ang “discretionary” powers at redtape na pinagsisimulan ng korupsyon.

Kayo, may naiisip ba kayoing sitwasyon na mangangailangan ka ng mahigit P100,000? Interesado akong marinig ang ideya ninyo.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 506

Trending Articles